hayzz… ang bilis nga naman dumaan ng panahon… tatanda nanaman ako ng isang taon ngayong enero… hayzz… pero… buong galak kong tinatanggap ang taong 2008… so ano mga pards… may mga new year’s resolution na ba kayo? matutupad ba yang mga new year’s resolution niyo? hahaha… ewan ko lng… pero karamihan sa mga nag new new year’s resolution… puro salita! di naman tinutupad… parang ako… marahil kailangan ko na lang ay gawin ko na lang kung ano yung mga dapat kong gawin ngayong 2008… at di na ko dapat maging puro satsat… sana magawa ko siya… so help me God… hehe
Ang taong ito… sana maging masaya… at sana maging prosperous ang taon na ito para sa amin… hiling ko na magkaron ng kapayapaan sa puso at isipan ng bawat tao… na kahit magulo ang Pilipinas… sana makayanan pa rin ng mga Pilipino ang hirap na dinadaanan nila…
sa taong 2008… sana din ay maging malinaw ang aking pagiisip sa mga madaming bagay… mas hindi akong maging tamad… mas maging focused ako sa pagaaral… lalo na sa pagreview ko ng board exam… makapasa ako sa board exam… hindi puro sarili ang aking iniisip… mas mahalin ko pa ang aking sarili… mas maging masipag ako sa pagaaral… maging optimistic… hindi maging worrier… madami pa kong kelangan baguhin sa sarili ko e… basta… madami… lista ko na lang…
Sa 2008… bagong paglalakbay nananaman ang tatahakin ko… hmmm… ano kayang mga bago ang mangyayari sa’kin… anu man iyon… haharapin ko ng buong tapang… importante talaga dapat maging matapang tayo sa mga bagong hamon na darating sa ating buhay… dapat maging bukas ang ating kaisipan sa mga bagong bagay na maaring dumating sa atin… kung anu man ang mga dumating sa’tin, asahan natin na meron tayong gabay… ang Diyos…
I-welcome natin ang 2008 nang buong kasiyahan! buong tapang!!!
No comments:
Post a Comment